sa likod ng maskara
Uupo, mag-iisip ng malalim
Titig sa kawalan.
Pipiliting itago ang mga luhang dumadaloy sa pisngi
Na parang may isang maskarang bumabalot sa hiwaga
Ang hiwaga ng damdamin.
Lilingon at makikita siya
Manghihina, ngunit patuloy na ngingiti...
habang dumadaloy ang mga luha sa pisngi...
habang umaalab ang hiwaga
sa likod ng maskara.
© okemonster
0 Comments:
Post a Comment
<< Home