Wednesday, August 31, 2005

walang title


hangin dalin mo ako sa isang lugar
kung saan ang langit ay umuulan ng mga ngiti,
…at halakhak.

itangay mo ako sa lugar,
na kung saan malayang makatatakbo
ang mga katanungang nakakulong sa apat na sulok ng aking isipan.
gusto kong lumipad kasama ka,
patungo sa buwan at mga bituin…
upang mangarap at matulog kasama nila.


©okemonster


0 Comments:

Post a Comment

<< Home